No, it isn't possible! Agarang tanggi pa ng isip niya. Hindi pupuwedeng 'yung tinutukoy ni Joyce ay siya ring crush niyang soccer player! Baka naman magkamukha lang… She stared at the man. Kung coincidence na magkamukha lang, bakit parang parehas talaga ng structure ng katawan at ng tangkad? "Now, this is my chance! Hindi ko na talaga 'to palalagpasin at aalamin ko na kung anong pangalan niya!" Nabibiglang napatingin sila kay Joyce dahil sa lakas ng loob at determinasyon ng kaibigan lalo na't nang tumayo ito para sa paghahandang maglakad at puntahan, lapitan 'yung lalaki. "Uy, Joyce, sa'n ka pupunta–" Naputol na lang din ang tanong ni Vien nang maglakad na si Joyce upang tunguhin ang lalaking 'yon. "Teka, Joyce–" Maging si Sheryll, tila napipi na lamang ang pagtawag. "Ito talagang