"Wala ‘yon. 'Yung isang kakilala namin pero hindi mo kasi kilala. Taga-ibang department, eh." "Ah, gano'n ba? Sayang naman." "Huwag na natin siyang pag-usapan. After all, 'di naman worth it, eh!" balewalang saad na lang ni Carlene. Sumabay na siya sa mga ito sa paglabas sa cr at dumiretso na ulit sila sa loob ng classroom. May one week na rin nang huling usap niya kina Vien at Joyce at tuluyang opisyal na pinagtabuyan ang mga ito saka pinutol ang koneksyon at pakikipagkaibigan sa mga ito. Looking at them both from behind. Sheryll couldn't know what exactly to feel. Namimiss din niya ang mga ito pero wala, eh. Nabitawan na niya ang mga salitang nakasakit pareho sa dalawa kaya kailangan niyang panindigan ang pagtatapos niya sa friendship sa mga ito. She looked at Carlene's group, too.