Hindi lubos akalain ni Vien na nang lumabas sila ng coffee shop at papabalik na sana sila sa garage kung saan iniwan ng kasama niya ang sasakyan nito'y may bigla ba namang susugod sa kanila at ginawaran si Vito ng suntok. "Oh my goodness! Tristann?!" naibulalas niya. Galit na galit ang anyo nito at kinuwelyuhan pa nito si Vito saka mag-aamba pa sanang muling suntukin ang huli kung hindi siya pilit na pumagitna para awatin ang tila tigreng nagwawalang asawa niya. “Tristann, enough! Ano ba, ha! Ano bang problema mo?!” singhal pa nga niya rito. Nang tingnan siya nito’y pagak na natawa na lamang ito sa pinaghalong inis, galit at disappointment. “Hindi ba’t ako dapat ang magtanong sa ‘yo niyan, Vien? Anong ginagawa mo sa lugar na ‘to at may kasama ka pang ibang lalaki, ha?” Muli siyang nap