Bubuhayin umano raw nito ang anak at palalakihin, mamahalin kahit na wala itong ama. She was even teary-eyed in happiness when ultrasound found out na hindi lang pala isa kundi dalang buhay ang dinadala nito sa sinapupunan nito. Kambal ang mga bata. Siyempre, bilang supportive na mga kaibigan, automatic ninang silang dalawa ni Sheryll. "So, kamusta naman ang pagiging ulirang ina ng seksi and hot single mom na friendship ko, ha!" Vien teased. Nakasakay naman kaagad ito at nag-sexy pose and aura pa nga. "Heto at walang kupas pa rin ang ka-sexy-han at kagandahan." Marahang humalakhak si Vien. "Very true. Kita ko nga. Figure mo hanggang ngayon parang wala pa ring anak. 'Yung totoo, 'yang katawang 'yan nanganak ba talaga 'yan, ha?" Hindi kasi naramihan sa laman si Joyce kahit pa ngayong may