"Sheryll, puwede ba tayong mag-usap na tatlo? Please?" Vien asked Sheryll politely one vacant period after their class. Nag-aayos na ang huli ng notes nito at nilalagay ang mga 'yon pabalik sa loob ng bag nang lumapit sina Vien at Joyce para i-approach ito. Sandaling natigil si Sheryll sa ginagawa ngunit hindi man lang sila tinapunan ng tingin. "Pasensya na, pero lalabas kami nina Carlene," malamig na tugon nito. Joyce had lost her interest na ipagpilitan pa ang sarili sa taong ayaw na't nagsawa na ngang yata talaga sa kanila. Kung hindi lang talaga dahil kay Vien at sa kagustuhan nitong makipag-usap pa rin kay Sheryll sa kabila ng harap-harapang pagtataboy nito sa kanila. "Please, Sheryll…" patuloy na pakiusap ni Vien at marahang hinawakan pa nga sa siko si Sheryll. And that made th