Hindi nakagalaw kaagad si Vien. Para bang hindi pa mag-sink in noong una sa utak niya. Hindi siya makapaniwala. May buhay nang nasa loob ng sinapupunan niya! Si Tristann ay walang mapagsidlan ang labis na tuwa. Niyakap siya ng asawa at masuyong hinawakan ang kanyang mga kamay. "You're pregnant! We're going to have our child soon! I'm going to be a father!" Nuon na niya nakuha lahat—sa mga mata nitong excited at labis ang kaligayahan na sa sobra pa ngang tuwa ay nagre-reflect sa mukha nitong naggo-glow. "Buntis ako. I'm going to be a mother! We're going to be parents!" maluha-luhang aniya. Tumangu-tango ang asawa niya at sa muli ay niyakap siya. Maging ang mommy niya ay labis na natuwa as soon na ibinalita nila rito ang napakagandang latest ganap sa kanila. Isinantabi na ng ginang ang

