Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo patungo sa kinaroroonan ng kapatid niyang nagsisimula nang magkumpulan ang mga tao sa palibot nito. "Kuya Sean, anong nangyari?! Kuya?!" Iyak na siya nang iyak. "Kuya ko! Tulong! Tulungan niyo po kami! Ang kuya ko!!!" Buti na lang at marami sa paligid ang may simpatya sa kapwa kaya agarang tinulungan din ang kapatid niya upang maidala sa hospital. Ang tunay palang nangyari ay habang abala 'yung tindera sa pagpapabarya ng pera mula sa kabilang tinda ay may lumapit kay Sean na holdaper ngunit ayaw ibigay ng kuya niya ang wallet at cellphone kung kaya't nasaksak si Sean ng dalang kutsilyo ng holdaper tapos tinangay ang wallet. "Sean, anong nangyari, anak ko?! Sean!" halos magwawawala ang mommy niya nang makarating sa hospital. "Mommy!" Kaaga