The latter may be sincere, pero ano pa bang magagawa ng sorry nito?! The damage had been done! "Alam mo 'ke simple-simple na nga lang nu'ng parts na binigay ko sa 'yo at mas madami 'yung sa akin pero hindi mo pa rin nagawa ng maayos man lang ang parte mo, Joyce!" patuloy pa nga niya. "Sheryll, tama na 'yan," marahan namang saway at pagpapagitna na ni Vien sa kanilang dalawa. "Ano ba? Baka naman sinadya mong magpa-late talaga para ako na sumalo ng lahat at makikihati ka na lang sa points ko–" "Sheryll, hindi totoo 'yan," malungkot na tanggi nito sa akusasyon niya. "Dapat talaga nag-individual na lang, eh, wala pa siguro akong sakit ng ulo!" Joyce just contained her tears, pero deep inside ay nadudurog na rin ito, ngunit tinatanggap lahat ng sinasabi ni Sheryll dahil after all, tama na