A MONTH PASSED Kung dati-rati ay hindi ko makuhang harapin at titigan ang tunay kong ama, ngayon ay halos ayaw ko ng umalis sa tabi ng kanyang puntod upang makasama lang siya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha sa pisngi sa tuwing tinititigan ko siya at hinahaplos ang bawat letra ng kanyang pangalang nakaukit sa lapida. Serafin S. Montgomery Napakasakit dahil binigyan nga kami ng pagkakataong magkakilala ngunit hindi ang magkasama. Kaagad din siyang binawi sa akin. Bakit naman ganun? Sana man lang ay naranasan kong maalagaan at maramdaman ang totoong pagmamahal na galing sa tunay kong ama kahit saglit lang. Ni hindi pa nga kami nagkakaayos. Namatay siyang patuloy sa paghingi ng tawad sa amin ni Mommy at hindi man lang niya naririnig pa ang mga