"So, paano mo ito ipapaalam kay Hanna? Masasaktan ang kapatid mo?" tanong ni Mommy habang sama-sama kaming naghahapunan sa hapagkainan. "Don't worry about that, tita. I'll take care of it," kaagad na sagot ni Mclaren na nasa aking tabi. "Hmn..I think that's just fine with Hanna, tita. Para mas marami pang la- aray!" sabat naman ni Silver na kaagad sumilip sa ilalim ng mesa. "Sino ba iyong naninipa?" Tiningnan ko si Aegia sa kanyang tabi na tahimik lang na kumakain at walang anumang reaction. "Anong ibig mong sabihin, iho? At saka kilala mo rin pala ang anak kong si Hanna?" kunot-noong tanong ni mommy kay Silver. "Sa tingin niya lang po iyon, tita. Si manghuhula po kasi ito eh. At saka kung hindi niyo po nalalaman ay may lihim na pagtingin po itong kwagong ito kay Hanna," nakangiwing