"Come to my office right now," maawtoridad na utos sa akin ni Mclaren. "And you, go home," baling niya naman kay Hanna. "What? Kararating ko pa nga lang eh, pauuwiin mo na 'ko kaagad? Huwag ka ng mag-alala pa sa amin ni baby. Hindi naman kami mapapagod dito eh," maarteng sagot naman ni Hanna habang hinihimas ang hindi pa gaanong halata niyang tiyan. "You're not helping. You're just bothering my work here," sagot ni Mclaren kay Hanna. "W-what did you sa-" naputol ang sasabihin ni Hannah nang biglang mag-ring ang kanyang phone na kasalukuyan niyang hawak. "Hindi pa tayo tapos mag-usap, Mclaren!" sigaw niya kay Mc bago niya sinagot ang kanyang phone. "Helow Dad?" At saka siya nagmadaling lumabas ng kusina. Ako naman ay biglang na-curious. Ano naman kaya ang pag-uusapan nila ni Daddy?