SAM POV "Bro, ang tahimik mo ata." Pansin ni Sean kay Alvin. Umiling lang ito sa kaibigan. "Don't mind me." Maikling sagot ni alvin. Umalis saglit ang mga date ng mga kaibigan ni Zack kaya ang nandito na lang sa table ay sina camille at john. Si sean,althea,alvin,marcus and Celine. Nagpaalam sa akin si zhaira na kung pwede silang maglaro ng anak ni alvin sa labas. pumayag ako tutal kasama naman nila ang yaya ng bata. Nagpaalam sa amin kanina si Xena na kailangan n'yang kausapin ang kapatid. Di niya sinabi ang rason pero kita ko ang pagbalatay ng sakit sa mukha ni Xena. Mukhang may dinaramdam siya. Napahawak si xena sa ulo niya na pinag-taka ko. Kaya siguro nagmamadaling umalis dahil sumakit ang ulo? Baka iyon ang dahilan. "Iniisip mo ba siya bro?" Tanong ni Zack. Nag-angat ng tingin si