SAM POV
Mag isa lang ako sa living room. nakailang beses na akong nagpalipat lipat ng palabas sa tv. wala akong mahanap na magandang panoorin kaya pinatay ko na lang. Tumayo ako at bumalik din sa sofa para maupo. Kinakabahan ako ng hindi ko maintindihan. tinawagan ko si Vince para kamustahin sila ni Zhaira. okay naman daw sila at ang resto ko.
Wala ang parents ko, may problema na kailangan raw nilang ayusin sa company di ko na tinanong kung ano.
Pagkatapos ng nangyare kahapon, ang pagsugod ni bea dito sa bahay. nagdagdag si dad ng bodyguard para bantayan ako. nag-aalala sya na baka may gawing hindi maganda si bea. Sinabi ko naman na hindi na kailangan pa dahil kaya kong protektahan ang sarili ko.
"Anak may bisita ka" napalingon ako sa likod ko ng magsalita si nanay lordes. agad akong tumayo at inayos muna ang sarili. nang makita kong okay naman ang lahat. nagpunta ako sa garden kung saan nagpunta ang bisita ko. Sa pag kakaalala ko wala akong kaibigan bukod kay rea na syang nakakaalam na nandito ako sa bahay ng magulang ko.
Nakayukong naglakad ako papunta sa garden ng mag-angat ako ng tingin tila naitulos ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong umalis at wag na syang harapin pero hindi ko namalayan na nasa harap niya na ako at pinagkrus ko ang magkabilang kamay. umarko pataas ang isang kilay ko habang tinitigan siya. anong ginagawa nya dito?..
"What are you doing here? Ang kapal din ng mukha mo na magpunta pa dito sa bahay ng magulang ko pagkatapos ng lahat ginawa mo sakin pati na rin kila mommy" Nanlilisik ang matang sabi ko sa kanya.
"Ikaw ba ang nagsabi kay tito na alisin si Bea sa company? Why? Hindi ka pa rin ba nakamove on sakin at gusto mo akong gantihan, kami ni bea?" Peke akong natawa.
"Bakit Zack? Yan ba ang tingin mo sakin? You know what wala akong oras para makipaglokohan sayo o kausapin ka na wala namang kakwenta-kwenta yang pinagsasabi mo. Kung pinaalis ni dad si bea sa company NAMIN wala ka ng pakialam pa dahil hindi mo hawak ang disisyon ni dad"
"Dahil sayo kaya tinanggal nya sa trabaho si bea." Gulat na napamaang ako sa sinabi niya. ako pa talaga sisihin niya? Kasalanan ko na pala ngayun na alisin ni dad si bea sa company namin.
"Ako zack? Tinanggal sa trabaho si bea dahil naging KABIT mo siya ng mga panahong mag-asawa pa tayo. pasalamat ka na lang at 'yun lang ang ginawa ni dad sa kanya at magpasalamat ka din dahil wala pa ginagawa sayo si dad" cold na sabi ko.
"Papakinggan ka ni tito just please sabihin mo sa kanya na ibalik nya si bea bilang secretary ko" Napairap ako.
"At bakit ko naman gagawin 'yun? Sino ka ba para sabihin sakin mga bagay na to? Bakit hindi mo na lang siya ipasok sa company niyo ng hindi ka nangiistorbo dito"
"I can't magagalit sakin si dad. Pagkatapos ng malaman nila ang totoong rason kung bakit tayo naghiwalay. hindi niya hinayaan na mapalapit si bea sa pamilya namin. Binalaan ako ni dad na kapag pinasok ko sa company si bea mawawalan ako ng mana."
"Hindi ko na problema 'yan zack. kaya kung pwede umalis ka na dito habang wala pa sila mom at kung ano pa ang magawa sayo ni dad. Tandaan mo galit sa inyo ang magulang ko at kung may magagawa man ako sa tingin mo hahayaan kong pumasok sa company namin ang isang ahas na katulad ni bea? No! kaya tama lang na tanggalin ni dad si bea sa company" Mariing sabi ko.
Tatalikod na sana ako ng biglang hawakan ni zack ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. agad kong winaksi ang pagkakahawak nya sa akin.
"Don't you dare touch me again nandidiri ako sayo!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. gusto kong malaman niya na hindi na ako ang dating samantha na kilala niya. Gulat na hindi siya makaimik at dahil dun. agad akong tumakbo papunta sa loob ng bahay hanggang makarating ako sa loob ng kwarto ko. nang makapasok ako. inilock ko ang pinto at naupo sa kama. mahal nga nya si bea walang duda, nahiga ako sa kama.
Naramdaman ko ang pamamasa ng pisngi ko. Pinahid ko ang luhang naglandas pero kahit anong gawin ko hindi pa rin ito tumitigil sa pagluha. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nakamove on na nga ba talaga ako? Bakit nandun pa rin ang sakit? Akala ko okay na pero hindi pa rin pala. Ganun niya ba kamahal si bea lahat gagawin niya para sa babaeng 'yun.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa dalawin ako ng antok.
Nakaramdam ako ng paghampas ng unan sa mukha ko. tinatamad akong bumango. ayokong harapin si Rea. alam kong siya ang may gawa 'nun dahil lagi nyang ginagawa sakin 'yun para magising ako.
"SAMANTHA KATHERINE CLARK hindi ka pa rin ba babangon? Anong oras na!" Nagtakip ako ng unan at nagtalukbong ng kumot. Mariin kong ipinikit ang mata ko.
"SAMANTHA KATHERINE BUMANGON KA NA!" sigaw ni Rea at agad na hinila ang kumot at unan. ayoko pang bumangon.
Tamad na bumangon ako dahil ilang minuto na lang sasabog na talaga ang bestfriend ko para lang gisingin ako.
"Ano bang ginagawa mo dito? Inaantok pa ako eh" humihikab na sabi ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Pupunta tayo ng mall kung sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sakin" hinawakan niya ako sa kamay at pilit na pinapatayo. Pinatigas ko ang katawan ko para hindi niya ako tuluyang mahila patayo.
"Rea please wag muna ngayun gusto ko munang matulog"
"NO! Sasama ka. hala sige punta ka na ng banyo at maligo na. hihintayin kita sa living room bilisan mo" wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niya.
Nakaharap ako sa full body mirror ko. tinitignan ko ang repleksyon ko sa salamin para makita kung bagay ba sakin ang suot kong navy blue paneled long sleeve floral dress. Nag-apply din ako ng light make up ng makuntento na ako sa suot ko. kinuha ko ang clutch bag sa table at lumabas na sa kuwarto. Alam kong inip na inip na kakahintay sakin si Rea kaya binilisan ko ang paglalakad. Pababa ako ng hagdan ng makita ko sa dulo ng hagdan si Rea. nakatingin sa writs watch niya. nang mag-angat sya ng tingin sa akin, nanlalaki ang matang tinitigan niya ako. ngumiti ako sa kanya.
Pagkababa ko agad niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. napailing na lang ako. Ngumiti sya ng pagkalawak- lawak.
"Wow! Ang ganda ganda mo pa rin Samantha. hindi ko talaga maintindihan kung bakit iniwan ka ni zack para lang sa slut na 'yun" Nawala ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi niya.
"Uy sorry sam di ko sinasadya"
"No, it's okay tyaka Rea ako ang nakipaghiwalay"
"Kahit na bakit sya pumayag sa annulment nyo noon? Di ba para makasama na nya ng tuluyan si Bea para wala ng sagabal sa kanila" Mapait akong napangiti. tama siya.
"Tara na baka magbago isip ko at matulog na lang buong maghapon" Natatawang lumabas na kami ng bahay.
"So new car mo?" Tanong ko sa kanya. nasa garahe kami, nakaharap sa celestial black altis.
"Yes my baby altis" inihilig pa nya ang ulo sa kotse at hinihimas- himas ito. Napapailing na binuksan ko ang pinto ng kotse at sumakay sa passenger seat habang sa driver seat naman si Rea.
"So ready?" Tanong niya pagkuwan.
"Yes! Let's go" nakangiti kong sabi.
ZACK POV
Nakangiting sinundan ko ng tingin ang papalayong si Samatha. Ang dahilan kung bakit ako nandito ay dahil gusto ko syang makita.
Di totoong nagpunta ako sa kanila para pabalikin si Bea sa company. Mabuti nga at ginawa 'yun ni tito. Ayoko na ding makita ang babaeng 'yun.
Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko syang galit. Mas gusto ko iyon makita kaysa ang umiiyak sya ng dahil sa akin.
Nag-iba sya, ramdam ko na ayaw nya na akong makita pa. Mas lalo syang gumaganda sa paningin ko. Pinigilan ko ang sarili na wag syang hawakan at baka makarinig lang ako ng hindi ko magugustuhan mula sa kanya..
Mahal ko pa din si Samantha. Walang nagbago sa pagmamahal ko para sa kanya. Aaminin ko na nagseselos ako ng dumating sya dito ng kamakailan lang. May binanggit syang ibang lalaki na syang kinaselos ko.
Ayokong may ibang lalaki sa buhay ni Sam at ngayung nakabalik na sya. Sisiguraduhin kong magiging akin ulit ang babaeng mahal ko.