SAM POV "May nakapagsabi sakin na magpapatayo ka ng sarili mong cafe. Para saan pa sam? Nandyan naman ang samniel's cafe" Naguguluhang tanong ni zack. nandito kami sa bahay ni ate danica. Binisita ko si ate dahil ilang araw na syang hindi nagpapakita saming mag-ina. nasabi niya sakin na may sakit siya pero hindi ko inaasahang makikita ko rin dito si zack.. umalis si ate danica pero babalik rin raw kaya wala akong choice kundi ang hintayin muna si ate at kausapin itong kaharap ko. "Yes, wala naman sigurong masama roon zack" napatiim bagang siya. "Sam, sayo ang cafe na iyon. Matagal mo ng hindi naaasikaso ang cafe tapos magpapatayo ka pa kung nandyan naman ang cafe at hinihintay kang magmanage ulit" "Zack..." "Please sam bilang dating asawa mo dapat lang na mapunta sayo ang cafe dahil i