SAM POV Mabilis akong lumabas sa kotse. Sumunod naman sa akin si ate sab na kasama ko papunta dito sa bahay ni ate danica. pansamantala ko munang ipinaalaga si zhaira habang nagtatrabaho ako sa cafe. Nakatanggap ako ng tawag na pumunta si zack para bisitahin si ate danica at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita ang mag-ama. abot langit ang kabang nararamdaman ko ng sabihin iyon sakin ni ate danica. Nagpunta si ate sab sa cafe dahil meron syang business meeting na ginanap sa cafe. Sumama siya sa akin para na rin sermunan si ate danica dahil sa kapabayaan niya. Binuksan ko ang pinto sa front door at tumakbo papunta ng hagdan pero bago pa ako makaakyat ay nasalubong ko si anna na syang yaya ni zhaira. Napakunot noo si anna ng makita ako. Habol ang hininga ng balingan ko siya ng tingin