SAM POV Hininto ko muna ang kotse sa gilid ng kalsada. Sumagi sa isip ko kung saan ko ba dadalhin si Zack. Dun pa rin ba sa dating bahay namin? Napatingin ako sa tabi ko. Mahimbing na natutulog si zack. Di ko naman magawang gisingin siya pero ako naman tong mangongoblema kung saan ko siya dadalhin.hindi naman pwedeng sa bahay ko dahil makikilala niya si Zhaira sa huli ay ginising ko si Zack. "Zack.." niyugyog ko siya para magising. Ungol lang ang sinagot niya sa akin. Unti-unting inimulat ni Zack ang mata. Matamis na ningitian ko si Zack. Umangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko. "Kung panaginip lang to sana hindi na ako magising. You don't know how happy I am because you're here with me Samantha." Patuloy niya pa ring hinahaplos ang pisngi ko hanggang dumako ang mga daliri