SAM POV Binalingan ko ng tingin si zack na syang katabi ko ng makaalis kami mula sa event room. Tumingin din sa akin at ngumiti. Nagtataka ang tingin na pinukol ko sa kanya. wala ba syang gagawin? "Wag na tayong makialam." Saad niya. tila ba alam n'ya ang tumatakbo sa isip ko. "Bakit hindi? Staff natin si camille tapos sasabihin mong wag tayong makialam?" Kasalukuyan kasing masama ang tingin ng babaeng kaharap ni camille habang si camille naman ay nagawa pang ipagkrus ang mga kamay at may nakakalokong ngisi sa labi. "Kung pahiyaan lang din naman. alam mo namang wala kang magagawa kapag ako na dahil sisiguraduhin ko ako ang magtatapos ng sinimulan mo." Inilapit pa nito ang mukha sa babaeng customer na syang sinasabi ni helen na nakasagutan ni camille. "Ayaw mo naman sigurong malaman