SAM POV Walang imik habang kumakain kami ng lunch ni zack. I let out a deep breath. Biglang pumasok sa isip ko ang halik na pinagsaluhan namin ni zack. Napatingin ako sa labi niya. magkaharap kasi kami ngayun at abala sya habang kumakain. Hindi niya napansin na tinititigan ko siya. Mapupula ang kanyang mga labi parang ang sarap at paulit-ulit na halikan. Pinilig ko ang ulo bakit parang nagiging manyak na ako? Napalunok ako ng umangat ang ulo ni Zack at nagtataka ang tingin na pinukol sa akin. "May problema ba?" Umiling ako at ngumiti. "Wala sige kumain ka pa.." sumubo ako at hindi na siya pinagtuonan ng pansin. Pumasok sa isip ko ang nangyare kanina lang. kaya nagdisisyon akong magtanong kay zack. Masyadong tahimik ang office na to tapos kami lang dalawa ang nandito. "Nga pala bakit