ZACK POV Napahilamos ako ng mukha sa sobrang kaba. Nasa delivery room si Samantha. Our long wait is over. Ngayun araw ang panganganak ni sam sa pangalawa naming anak. Nasa bahay si zhaira at kasama nito ang mamoo at papoo niya. Kaninang tanghali pagkatapos naming kumain ay nakaramdam ng pananakit si sam at pumutok ang panubigan niya. Kitang-kita ng mga mata ko ang paghihirap ng asawa ko kaya nataranta ako. Dinala agad namin si Sam sa sasakyan. Hawak ko ang kamay habang hirap na hirap na siya. Nangingilid ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Di ko alam na ganito pala ang dinanas ni Sam ng pinagbubuntis niya ang panganay namin. Lalo akong humanga kay samantha dahil kinaya niya lahat kahit na wala ako sa tabi niya ng mga panahong kailangan na kailangan niya ako. Namumutl