SHANE POV akala ko sa pagbalik ko magiging maayos na ang lahat lalo na sa pagitan namin ni Zack.. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang lalaking mahal ko. Matagal ko ng alam na may bago na s'yang mahal. Nagbulagbulagan ako sa katotohang hindi na maibabalik pa ang dating kami ni Zack. Mula pagkabata naisip ko na si Zack ang lalaking mamahalin ko at papakasalan. Magiging ina ng anak niya. Mamumuhay kami ng mapayapa. Napuno ng galit ang buong puso ko ng malamang pagkaalis ko ay may babae s'yang pinopormahan. Sinabi ko na lang sa sarili ko na ginagawa niya lahat ng iyon dahil galit siya sa akin. Dahil hindi si Zack ang pinili ko ng mga panahong gusto niya akong maiwan. Alam kong naging selfish ako kaya naging kami. Minahal ko si Zack ng sobra. I don't care if he didn't love me basta manatili