SAM POV "Good morning po ma'am samantha." Bati sa akin ng mga staff ko sa cafe. Ngumiti ako sa kanila at binati din sila. "Good morning din sa inyo. Bago tayo magsimulang magtrabaho, may gusto sana akong sabihin sa inyo." Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniimagine ang kalalabasan ng idea kong ito. "Dalawang araw na lang birthday na ni Sir Zack niyo. Ang balak ko sana dito gaganapin ang birthday niya kaya sana matulungan niyo ako." Napatango ang ilan sa kanila. "Don't worry po ma'am handa po kaming tumulong sa'yo." Sinabi ko sa kanila ang balak ko. Isa na rin sa dahilan kung bakit pinaghahandaan ko to dahil handa na akong sabihin kay Zack na magkakaroon na kami ng isa pang-anak. Ang pingbubuntis ko. Alam kong matutuwa siya kapag malaman niya na madadag-dagan ang pamilya namin. Sana