SAM POV Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago maisipang lumabas na sa kotse at napatingin sa harap ko. Nagpunta ako sa SamNeil's Cafe para makita ang loob. Magmula ng umalis ako,sumaglit lang kami ni Rea dito kahapon dahil na rin sa sinabi ni Zia na darating daw sa lugar na to si Zack kaya agad kaming umalis. Binuksan ko ang pinto ng Cafe at tumunog ang bell sa taas ng door para malaman ng nasa loob na may costumer. Walang tao ngayun kundi ako lang. ipinaalam ko kay Zia na kung pwedeng bisitahin ko itong cafe ngayun araw na ito. pumayag naman siya at hindi na nagtanong pa. tamang tama na hindi bukas ang cafe ngayung araw. Malaya kong magagawa ang gusto ko dito. Naisipan kong maupo sa pangdalawahang upuan malapit sa door. Nilibot ko ng tingin ang buong cafe. Kung ano ang iniwan ko