Chapter 1
ASHLEY'S POV
Ramdam ko ang pag tagaktak nang pawis sa aking noo at leeg habang tinatakbo ko ang masukal at magubat na daan.
Inalintana ko ang sakit at kirot, habang tumatakbo na naka paa na nabahiran na rin ng putik at sugat iyon maski na rin ang laylayan ng puting bestida na suot-suot ko.
Tumingin ako sa kaliwa't-kanan ko pero, puro kakahuyan ang nakikita ko. Nawawalan na ako nang lakas ng loob na maka takas at maka labas dito sa masukal na kagubatan.
Nanginginig na ang aking katawan sa takot at nerbyos na baka maabutan nila ulit ako.
"Diyos ko. T-Tulungan niyo ako." dasal ko sa aking isipan at pinag halo na ang pawis at luha sa aking mukha na kanina pa tumatakbo.
Naka rinig ako ng kaluskos at pag galaw nang halaman malapit sa akin, na mag panikip ng aking dibdib sa takot at nerbyos na maabutan nila ako na mga taong pilit kong tinatakasan.
Mabilis akong kumubli na tumago sa makapal na halaman. Ilang saglit lamang rinig ko na ang mabibigat na yabag ng mga paa na humahabol sa akin. Mula sa aking kina-kukublian, nakita ko ang naka itim na mga kasuotan nito. Matitikas ang kanilang mga katawan, nakaka takot ang kanilang itsura at mga armado pa.
"Putangina. Hanapin niyo siya. Hindi pa iyon nakaka layo!" Ang nakaka takot na sigaw ng isang lalaki na balbas sarado sabay kinasa ang hawak na baril.
Pinikit ko ang mga mata ko at tinakpan rin ang bibig, gamit ang kakay para iwasan na maka gawa ng anumang ingay sa aking pag hikbi na tahimik.
"Yes Sir!" Sagot naman ng mga tauhan nitong kasamahan na humahanap sa akin. "You must find her! Kong makita siya ng ibang tao, ako mismo ang papatay sainyong lahat. Naiintindihan niyo ba ako?" Sindak nito sa mga kasamahan, na lalo ko pa tuloy siniksik ang sarili ko sa halamanan.
Panay bagsak lang ang daplis na luha sa aking pisngi, pinapakinggan ang kanilang pinag uusapan. Ilang sandali pa ang lumipas, rinig ko ang yabag ng kanilang paa paalis at nag hintay pa ako ng ilang segundo bago lumabas sa aking pinag tataguan.
Nang masiguro ko na wala na talaga sila, tumakbo muli ako at sa pag kakataon na ito, wala na akong lingon-lingon pa.
Kailangan kong maka takas.
Dapat hindi nila ako makita at maabutan.
Habang tinatahak ko ang masukal na kagubatan, iyon rin ang pag agos ng luha sa mata ko.
"Nakita ko na siya!" Ang malakas na sigaw ng lalaki ang mag pabigay takot sa aking dibdib. Nilingon ko kaagad kong saan nanggagaling ang boses at bigla akong namutla na makita ang dalawang lalaki, na kanina pa humahabol sa akin.
Naging mabilis at maliksi rin ang galaw ng dalawang lalaki, porsigedo silang dakpin ako, kaya't lalo ko pang binilisan ang pag takbo ko.
"Bilisan niyo. Tangina, dakpin niyo siya!" Sigaw ng iba pa nitong mga kasamahan at naririnig ko na ang yabag ng kanilang paa sa likuran ko para habulin lang nila ako.
Nanlabo na ang mata ko sa walang humpay na pag iyak at kasabay ang malakas kong tili at sigaw nang may marahas na humawak sa pulsuhan ko. "Bitawan mo ako. Ano ba!" Pag pupumiglas ko na pilit inaalis ang kamay nutong naka hawak sa akin, pero naging porsigedo lamang ito. "Bitawan niyo ako sabi eh! Ano ba! Gusto ko nang umuwi sa amin! Parang awa niyo na." Nag silaglagan lamang ang butil ng luha sa aking pisngi.
"Putangina, tumahimik ka!" Singhal nito sa akin. Gamitin ko man ang lakas kong, maka alis pero hindi sapat ang lakas ko para mapa bitaw ito sa pag kakahawak sa pulsuhan ko.
Hinatak na ako ng lalaking naka itim pasunod sakanya, pero heto't nag mamatigasan akong nag pupumiglas pa rin na ayaw sumama. "Tangina talaga. Sasama ka sa amin, sa ayaw at sa gusto mo!" Asik pa nito at kinaladkad na nito akong hinihila samantala naman patuloy akong nag mamakaaww.
"A-Ayaw ko, ayaw kong sumama." Iling ko pang wika. "Ayaw kong sumama sainyo, parang awa niyo na. Pakawalan niyo na ako."
"Pasensiya na po kayo Señorita, pero sumusunod lang kami sa utos ni Boss." Wika ng lalaki na may hawak sa akin na mapa-iyak pa ako lalo. "Idala niyo na siya sa Mansyon!" Utos pa nito sa ilang mga kasamahan na kina-gimbal ko.
Nag silapitan ang iba pa nitong mga kasamahan, na kasama nito at hinawakan ako sa pulsuhan.
Hindi pwede.
Ayaw ko nang bumalik doon.
Mamatay ako kapag bumalik pa ako doon.
Naka hawak na ang dalawang lalaki sa mag kabila kong pulsuhan at hinahatak nila ako sa kanilang kagustuhan. Ilang sandaj lamang huminto sa harapan namin ang itim at mamahalin na sasakyan, at may lumabas doon na isang lalaki na naka itim na kasuotan at nakaka takot.
Umiling lamang ako ng aking ulo na umiiyak pa rin. "H-Hindi. Ayaw kong bumalik doon, parang awa niyo na." Palahaw kong pag iyak at naging malakas ang determinasyon kong maka wala sa pag kakahawak nila sa akin. "Huwag niyo akong ibalik doon. Please, makinig kayo sa akin. Ayaw ko na." Bumaling ako ng tingin sa dalawang lalaki na may hawak sa akin at nag mamakaawa.
Blangko ang kanilang mukha na pinapakita sa akin hinihila ako nila papasok nang sasakyan.
"Tangina, patahimikin niyo siya!" Iritadong wika na balbas sarado na lalaki, na panigurado boss nila iyon.
"Nag m-mamakaawa ako sainyo, huwag niyo na ako ibalik doon." Maririnig mo na lang ang malis oong pag sigaw. "Huwag niyo akong ibalik doon, mamatay ak—hmmp." Hindi ko na natapos ang anumang sasabihin na tinakpan nito ng puting panyo ang aking ilong na may halong kemikal.
Kemikal na may pabigat nang talukap ng aking mga mata at sanhi nawalan ako ng malay.
****
Minulat ko ang aking mata at sumalubong sa akin ang kadiliman ng silid. May konting liwanag pa naman akong nakikita na galing sa lampshade, na maging gabay para sa akin na makita ang buong silid.
Isang mahinang unggol na lang ang kumawala sa aking bibig at piniling maupo sa malambot na kama, na hawak ang aking ulo bahagyang madarama ang pananakit no'n. Naging mabigat ang aking pag hingga na hindi inaalis ang mata sa kalusok-sulokan na silid kong saan ako nakulong ng ilang buwan.
No.
Hindi pwede.
Hindi pwede, na maka balik na naman ako dito ulit.
Mamasa-masa na ang mata ko at ngayon ko pa pang naramdaman ang sakit at hapdi sa aking paa, na naka tamo iyon ng sugat sa pag takbo ko kanina.
"Finally, nagising ka rin." Ang malagong at nakaka takot na wika na mag salita ang mag pakaba sa akin.
Hinahanap ko, kong saan nag mumula ang boses na iyon, at kusang nahinto ang mata ko nang makita ang maitim na pigura ng lalaki na nag tatago sa kadiliman na bahagi ng silid at kanina pa ako nito pinapanuod.
Sapat na makita ko ang mata nitong puno ng dilim at nakaka takot. Kusa akong napa lunok ng laway nang hinakbang nito ang paa palapit sa akin, bawat hakbang nito papunta sa direksyon ko iyon naman ang mag bigay nerbyos sa puso ko.
Sa takot na masaksihan at maranasan kong gaano ito kasama, siniksik ko na lang ang sarili ko sa headboard ng kama na ayaw mag pahawak dito.
Tumigil ang yabag ng paa nito sa gilid nang kama at piniling maupo doon.
Kahit takot man, inipon ko ang sarili kong mag saita. "Pakawalan mo na ako." Sapat na ang hina ng boses ko na marinig ang sinabi ko. "Ayaw ko na dito, gusto ko nang umuwi sa amin." Pakiusap ko at ang katahimikan ang sumagot sa akin.
Pinapanuod ko ang malapad na likod ni Drake at parang naging slow motion ang pag harap nito sa akin na blangkong expression ang pinapakita. "You know I can't do that, honey." Marahan nitong hinaplos ang aking pisngi, na kina pikit ko naman sa takot na baka saktan niya akong muli.
Tanging hikbi lamang na mahina ako sa harapan nito at napa singhap na lang sa sunod nitong ginawa nang marahas nitong hinuli ang panga ko at pina-harap sakanya, tiniis ko ang sakit at higpit na pag kakahawak niya doon.
"Didn't I tell you, not to disobey my orders Ashley and now what's this huh? Trying to escape again? Akala ko malinaw na sa'yo ang napag-usapan natin?!" Mahina ngunit galit na galit ang tono ng boses nito na kina- patak naman ng luha sa mga mata ko.
"A-Ayaw ko na, pagod na pagod na ako." Impit na iyak ko na hindi pa rin ang babago ang expression sa mga mata nito. Nanlilisik pa rin iyon. "
Pagod na pagod na ako.
Araw-araw niya na lang ako ginagamit.
Araw-araw niya akong sinasaktan at binababoy.
Buong akala ko na magiging madali ang buhay ko na pumayag ako sa kanyang gusto na papakawalan niya ako, kapag nabigyan ko siya ng anak pero ano ito?
Bakit naging masahol pa ang buhay ko dito sa puder niya?
"Ayaw ko na D-Drake, pagod na ako. Gusto ko na lang umuwi sa ami——"
"Shut it!" Dumaongdong ang malakas at nakaka binggi nitong pag sigaw. Bibigyan sana nito ako nang malakas na sampal sa pisngi, na kaagad ko naman hinarang ang kamay ko aking mukha para hindi maituloy ang tangka nitong gagawin.
"P-Please, huwag. Ayaw ko na. Ayaw ko na." Patuloy kong pag mamakaawa.
"This is bullshit!" Matinis nitong mura sabay tayo sa kina-uupuan at sinabunutan ang buhok sa galit at frustate na naramdaman.
Tahimik lamang akong humihikbi na naka upo sa kama at pinapanuod si Drake. Iritado muli itong bumaling ng tingin sa akin, ang tanda ng pag igting ng panga nito ang pag pipigil niya lamang ng kanyang nararamdaman na saktan ako.
"You better behave this time Ashley, before I lose myself to kill you!" Banta nito. "Sa susunod na tumakas ka pa ulit, hindi lang ito ang sasapitin mo. I'm warning you!" Dinuro niya pa ako at nag martsa na ito palabas nang silid at sunod ko na lang narinig ang pabagsak nitong sinarhan ang pintuan na maka gawa iyon ng nakaka hindik na tunog, na kina agos naman ng luha sa mga mata ko.
***
"Wow, ang ganda ganda niyo po, Señorita" wika ni Glorita na sinusuklayan nito ang mahaba at maitim kong buhok.
Mapait na lang akong ngumiti na pinag mamasdan ko ang repleksuon ko sa malaking salamin sa harapan ko suot ang putting bestida na may burda na maliit na mga bulaklak. Nakita ko ang bakas ng pamumutla ng aking balat, ilang bakas na sugat at galos na aking natamo sa tangka kong pag takas kahapon.
Nilagyan din ako ni Glorita nang konting pulbos sa aking mukha at may nilagay pa siyang kong anong kulay sa aking labi, kaya nawala ang bakas na pamumutla doon.
Si Glorita ay bente anyos na ito at isang taon pa lang itong nag seserbehang isang katulong dito sa Mansyon. Hanggang balikat lang ang haba ng kanyang maitim nitong buhok at kayumanggi ang kanyang kutis. Medyo matangkad lang siya kumpara sa akin nang ilang pulgada at siya parati ang kasa-kasama ko.
Sa katunayan si Glorita lamang ang kasundo ko sa mga katulong at madalas kong ka-kwentuhan sa isang buwan kong pananatili sa Mansyon.
"Naiingit po ako sayo, Señorita kasi napangasawa niyo po si Señorito. Napaka gwapo pa at mahal na mahal niya po kayo." Kwento nito na sanhi mawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pait. Hindi ko na namalayan na sobrang higpit na ang pag kakahawak ko sa bestida sa tindi ng galit ko sakanya.
Ako? Mahal niya?
Kalokohan!
"Hindi ko siya asawa," pag tatami ko at baka isipin nilang asawa ko siya dahil nag sasama na kami sa iisang bubong.
Ramdam kong napa tigil si Glorita sa pag susuklay sa buhok ko at sinilip niya ang repleksyon ko sa salamin na may pag tataka sa kanyang mukha.
"H-Ho?" Hindi nito maka paniwalang saad. "Pinag bibiro mo ata ako, Señorita. Lahat atang katulong at serbidor dito sa Mansyon, ay alam na kasal po kayo ni Señorito Drake." Hindi na ako sumagot pa.
"Alam niyo po Ma'am?"Patuloy nitong kwento at binalik ang atensyon sa pag susuklay muli. "Minsan ko na hong nakita ang larawan niyo no'ng araw no'ng kinasal kayo ni Señorito at ang ganda pa ng ngiti niyo doon sa portrait,"
Ano?
Kasal?
Anong larawan ang pinag sasabi niya?
"A-Anong larawa---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pinto at kaagad din naman kami pareho natigilan ni Glorita. Lumuwa sa pintuan si Aling Puring. Siya ang matandang nag hatid sa akin ng pag kain no'ng unang araw pa lang ako dito sa Mansyon.
"Señorita, hinihintay kana po ni Señorito, sa ibaba at sabay na daw po kayo kakain nang agahan." Ang salita ni Aling Puring ang mag bigay takot sa aking dibdib na mapag tanto na nandito pa pala si Drake at hinihintay ako.
"O-Opo M-Manang," tumayo ako sa aking kina-uupuan at dama ko ang pamamawis ng aking palad sa nerbyos.
Naauna nang lumakad palabas ng silid si Manang Puring, at walang pag tutotol na sumunod ako sakanya. Tahimik lamang akong sumusunod sa likuran ng matanda habang tinatahak namin ang pasilyo. Sa bawat pag hakbang ko, nang aking mga paa papunta sa dining area, ay hindi pa din tumitigil ang malakas nanpag pintig ng aking puso.
Na para bang kikitilin ang aking buhay dahil sa kaba at takot na lumukob sa pag katao ko.
Nang madako na kami sa ibaba, tinunggo namin ang Dining area at binuksan nito ang malaking pintuan na nag kokonekta papasok sa malaki at magarbong hapag-kainan.
Bumunggad sa akin ang napaka laki at habang lamesa, na tantya ko ay labing dalawang taong pu-pwedeng kumain doon. Mas lalo pa tuloy akong humangga dahil sa ganda nang pasilidad ng dingding at pader, na kulay puting pintura at pinag halong kulay yellow na parang mga ginto dahil nag kikinang sa ganda nito.
Nag paagaw din ng atensyon sa akin ang napaka laking chandelier sa gitna ng lamesa. Napapalibutan din ito ng mamahalin at napakagandang crystal.
"Tutunganga kana lang ba diyan?!" kulang na lang mapa talon ako sa gulat na marinig ko ang malakas at nakaka-panindig balahibo nitong boses. Hinanap ko kong saan nag mumula ang boses at nakita ko si Drake, nan aka upo sa isa sa mga silya at mukhang nauna na itong kumain.
Yumuko na lang si Manang Puring kay Drake, tanda ng pag galang at iniwan na kaming dalawa sa dining area.
"Ts." Pag susungit nito na binalik ang atensyon sa iniinom na kape. Doon ako nag karoon na pag kakataon na ihakbang ang paa ko palapit sa dining para maka-upo na habang hindi siya naka tingin sa akin. Umupo ako sa bakanteng upuan na medyo may distansiya na may layo sakanya. Kong sakali man na magalit siya sa akin, hindi niya ako kaagad maabot.
Sa harapan ko ang pingan na naka ayos at iba't-ibang mga kubyertos a ginagamit sa pag kain. Isa rin nag paagaw ng atensyon ko na makita ang masasarap at special na almusal na kumalam pa lalo ang aking sikmura na maamoy ang mabangong amoy ng agahan. Kahit kabado man, nag simula na akong kumain na buong pag-iinggat na hindi maka gawa ng anumang pag kakamali sa harapan niya.
Maririnig mo na lang ang inggay ng kubyertos na tumutunog habang kumakain kami. Bahagya kong sinilip si Drake na kunot-noo at mukhang hindi na naman maganda ang mood nito base pa lang sa mukha na parang galit na naman. Suot nito ang black longsleeve at ang mata nama'y naka-pako sa binabasang dyaryo sa kabilang kamay na hawak.
Kahit masungit at parating galit, hindi pa rin matatago na may appeal at likas itong ka-guwapuhan. Makapal ang kanyang kilay at perpekto rin na panga, ang kanyang mga mata naman kulay brown na nag tatago ang malamig at mala-misteryosong pag katao.
"Ts. Stop staring!" ang pahapyaw na wika nito ang mag pabalik na sa akin sa realidad. Kabado at pinag papawisan ako na sumulyap siya sa akin na medyo galit.
Hindi na lang ako sumagot at pinili ko na lang na iyuko ang aking ulo para iwasan na mag karoon ng eye contact sakanya. Sa gilid naman ng mata ko , nakita ko pa rin si Drake naka tingin sa akin na kay sama at naputol lamang iyon nang tumunog ang kanyang cellphone at kaagad din naman nitong sinagot.
"Yes?" nabunutan ng tinig ang dibdib ko na hindi na siya naka tingin sa akin at tinuon ang atensyon ko sa pag tatapos ko nang kinakain ko. "Don't worry Mr. Tuazon, naayos ko na lahat. Yes. I'll be there in 30 minutes," sagot nito sa kausap at tinapos na nito ang pag uusap nilang dalawa.
Ang aking tahimik na pag kain biglang natigil na makita ko ang hotdog sa lamesa, na kina-ningning naman ng mata ko. "uyy, hotdog." tinusok ko ang hotdog gamit ng tinidor na hawak ko at kaagad din sinubo.
Pikit-mata pa ako habang ngumunguya sa sarap ng hotdog. Isa rin ang hotdog ang paborito ko at hindi ako makaka-tangi kapag ito na ang hinain sa akin.
"Ts, hotdog lang ang saya-saya mo na."iritadong wika ni Drake, napansin ata nito na biglang nanlambot ako sa mga hotdog. "Kayo talagang mga babae, ang babaw ng mga kaligayahan niyo," napa-iling pa nitong wika na binuklat ang dyaryo at tinuon ang atensyon doon.
Napa-nguso na lang ako. "Eh meserep eh naman talaga ang hotdog eh. Try mo?" Pang aalok ko sakanya at sinamaan na lang ako nito ng titig.
Ang salita ko ang mag patigil kay Drake at binaba nito ang hawak na dyaryo at tinignan ako ng malamlam na kina-kaba ko naman na baka magalit na naman siya sa akin
"No thanks,"Pag tatangi nito na mapa-awang ako ng labi. "I just don't f*****g get it. I don't even understand, why you like to eat, that kind of crap. Wala naman kayong makukuhang maganda diyan sa hotdog na iyan kundi sakit." Sakit kaagad?
"Pero masarap naman ang hotdog." pang gigiit ko lalo. "Marami kayang mga batang gustong kumain nang hotdog. At huwag mo na din ipag kaila, na no'ng bata ka pa paborito mo din kumain nito," napa-ngisi na lang si Drake sa sinabi ko.
Hindi na lang nag salita pa si Drake at kinuha ulit ang dyaryo sa pag kakalapag niya at ibalik ang atensyon sa pag babasa muli.
"Drake, gusto mo bang maka rinig ng interesadong kwento?" pilya kong wika na sa wakas, naagaw ko ang atensyon nito sa pag babasa at sinilip ako bahagya,
"What is it?" Seryoso at walang bahid nyang emosyon na tanong. Kinuha nito ang tasa ng kape at marahan na sinimsim ang laman no'n.
"Mas masarap ang hotdog mo," lumawak ang ngisi sa aking labi. Biglang nasamid si Drake sa kanyang iniinom na kape sa sinabi ko.
Walang gatol na patuloy na umuubo ito sa aking harapan at namula ang kanyang mukha sa walang humpay na pag ubo.
Pinipigilan ko na lang ang sarili ko na matuwa dahil sa reaction at mukha niya ngayon. Baka sakaling sakalin niya ako na makitang tinatawanan siya.
"The f*ck!" matinis nitong mura at ang mata nama'y galit na galit. Patay!
"Bakit totoo naman, diba?" inosente kong wika, na domoble ang pandidilim ng mukha nito sa galit. "Masarap ang hotdog mo dahil mahaba at mataba. Ang sarap sarap kaya no'n, lalo na kong isubo na buo," inismidan lamang ako ni Drake at ang kanyang katawan naman nanginginig na nag titimpi lamang sa akin.
"s**t. Putangina!" Mura nito na labis ko naman ikalundag nang padabog na tumayo si Drake at hinampas pa nito nang malakas ang lamesa kaya't kinabahan ako. "Y-You!" Duro niya sa akin na hindi na ako maka-kilos sa takot. "D-Don't tempt me, woman!" Kita ko kong paano nag igting ang kanyang mga panga at mas lalo lang nanliyab ang kanyang mga mata.
Ano daw? Tempt?
"F*ck it!" Mura nya at bago paman ako makapag salita nang padabog itong nag martsa palabas ng dining area at naiwan na lang akong nag tataka at naguguluhan sa nangyari.
Anong nangyari sa gonggong na iyon?
Lakas maka grand exit ah?
Hindi ko pa din alam at rason kong bakit siya nagalit bigla sa akin na totoo naman ang sinabi ko.
Nag hintay pa ako ng ilang segundo at nang naka siguro ako na naka-alis na talaga siya doon naman ako nag karoon ng pag kakataon na tumayo at tumunggo sa kina-uupuan ni Drake kanina.
Kinuha ko ang tinidor at tinusok ko ang mahaba at mataba niyang hotdog na naiwan nito sa kanyang plato.
Hmm. Serep.