Chapter 10 ASHELY POV Busy ang mga tao ngayon sa San Rafael dahil despiras na ng Fiesta ngayon sa kanilang Baryo. Hindi rin naka ligtas ang mga katulong at mga tauhan ngayon sa mansyon dahil abala sila sa pag lilinis at pag aasikaso ng mga pagkain at kong ano-ano pa. Rinig ko kasi na magiging magarbo ang handa ngayon dito sa mansyon dahil darating ang mayayaman at kilalang angkan dito. Nang matapos ako mag almusal ay hindi ko na nasilayan ang binata. Sabi sakin ni Manang Puring, ay maaga daw umalis si Drake para asikasuhin ang mga kailangan para mas maging maganda ang selebrasyon ng nararating na Fiesta. Rinig ko rin sa mga katulong at mga serbidor na taon-taon, daw ay bumibigay si Drake mahigit isang daang libong piso para sa pundasyon sa San Rafael at nag bibigay din sya ng mahigit is