"Suotin mo ito!" Napa simangot na lamang ako ng padabog ni Drake na binigay saakin ang isang paper bag. "H-huh?" Yan na lang ang naisagot ko sa binata. Lihim na lamang akong mapa tingin sa hawak-hawak kong paper bag at pagkatapos tinignan ko rin si Drake na naka tayo sa aking harapan habang naka pamulsa ito. Napaka dilim ng kanyang mukha at naka kunot na naman ang noo nito. Alam kong, galit pa din ito dahil sobrang ikli ng suot ko kanina at halos mabastos na ako ng matandang hukluban na yon. Matapos kaming umalis sa kompanya kong saan kami pumunta kanina, ay hindi nya na ako tinangka pang kausapin dahil tiyak kong nasira ko na naman ang araw nya. Pinag dadasal ko lang talaga sa puong may kapal na sana hindi nya ako saktan at singhalan dahil sa inis at galit na nararamdaman nya saakin