Chapter 30 "A-Ashley?" Gulat na sambit nya ng makita nya akong naka tayo sa harapan nya. "A-Anong ginagawa mo dito Mahal?" Doon na kumabog ng sobrang lakas ang aking puso at pagkasabik kong marinig muli ang pangalan ni Papa. Gustong-gusto ko na syang makita at maka usap. "T-Tama ba yong narinig ko Mahal? B-Binanggit mo ang pangalan ni Papa? N-Nakausap mo ba sya? A-Alam mo ba kong asan sya?" Sunod-sunod kong tanong sakanya. Umaasa ako na tama ang narinig ko, umaasa akong makikita ko syang muli. Kahit hindi naging mabuti ang pakikitunggo sakin ni Papa noon, hindi ko kayang magalit sakanya kong bakit ginawa nya yon sakin. "M-Mahal" nag aalangan nyang sagot at hinawakan nya ang mag kabila kong balikat. Doon ko nakita ang lungkot, at pag aalinlangan na gumuhit sa mga ni Drake, na animo'