Chapter 28 DRAKE POV Nag lalakad ako papasok ng mansyon at tila ba rinig na rinig ko na ang sigawan na nanggagaling sa loob na tila ba, may nangyari. Bumilis na ang tambol ng aking puso at kinabahan ak na hindi ko maipaliwanag. Nang tuluyan na akong makapasok sa mansyon at doon ko nasaksihan ang lahat na nangyayari. Nag kukumpulan ang mga kasambahay sa isang sulok at rinig ko ang iyak at pag hinggi nila ng tulong ng paulit-ulit. Sa isang banda nakita ko Manang Puring na yakap-yakap si Ashley at walang malay. Doon na ako kinabahan ng husto ng makita ko ang sariwang dugo na umaagos sa pagitan ng kanyang hita. Anong nangyari? Bigla akong napako sa aking kinatatayuan at nanginig na ang aking katawan sa nerbyos at kaba dahil walang malay pa din ang dalaga. Tinapunan ko ng tingin si Ivory