Chapter 19 "M-Mahal na mahal kita Ashley.... Nag mamakaawa ako sayo, wag mo akong iiwan.....H-hindi ko kayang mawala ka saakin" mangingiyak nyang turan. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa katagang binitawan ni Drake. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan at pamumuong saya sa aking dibdib dahil sa ilang buwan naming pag sasama, ngayon nya lang nailabas at nasabi ang kanyang tunay na nararamdaman para saakin. Humigpit ng medyo konti ang pag yayakap nya sa aking likuran na tila ba, ayaw nya akong paalisin sa kanyang tabi at sa kanyang buhay. Hindi ko namalayang bumuhos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Totoo ba ang lahat ng to?? Mahal nya ako? Kaylan?? Papaano? Maraming mga katanungan sa aking isip sa sandaling ito. Tinutulak ng isip ko na hindi maniwala sa mga sin