bc

Verañas Royales I: Of Blues and Fire

book_age18+
134
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
royalty/noble
tragedy
bxg
mystery
bold
icy
royal
kingdom building
like
intro-logo
Blurb

This is a story of a woman in her 27 years, collecting the pieces of a puzzle, the second prince of a royal family wanted to complete.

- - - - -

Lyca Beatrice Dominguez ended her relationship of years. Ang dahilan? She finally saw the true colors of her long-term boyfriend and been cheating behind her back.

Akala niya ay magiging mapayapa na rin ang buhay niya sa wakas, not until she was chosen on Royale — ang pagpili ng mapapangasawa at makakatuwang ng mga prinsipe para makuha ang trono at maging sunod na hari ng Verañas.

Napili siyang isa sa mga Kapares. And, she was never happy about it.

She was chosen as the bride to be, of the second eldest of the Williams, Prince Johannes. The great negotiator of the king. Na sa mga naririnig niya ay guwapo, chinito, makisig, maharlika ang tindig pero matindi, gahaman sa kapangyarihan at diktador. She can't let her world be invaded by the cocky prince.

Kaya nabuo ang desisyon niya. Tumakas siya. But she's not really lucky enough, as she wished to be. She was caught on the messy act, with barbed wires and blood.

And not on her right mind.

Niligtas nito ang buhay niya at dinala siya sa Palasyo. He then proposed something she knew, she can't refuse. Being alone.

As she started her journey as a wife to be and of her royalty life inside the Palace, she discovered a mystery within—the death of the families of the princes. And Prince Johannes was all hands on it.

Together with the blonde prince, they began to unfold and solve clues bit by bit, with both of them, catching their feelings.

And with his twin's weird and complex behavior, getting her curiosity along the way, will it stir a problem between them?

O baka may madiskubre pa siya sa prinsipeng mapapangasawa na mas ikakagulat niya pa?

Right. This is not your typical fairytale.

Verañas Royales I: Of Blues and Fire

Prince Johannes Williams

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Re: Love             Will run late. May sunod pa akong meeting.Kita na lang tayo sa café.             Ingat ka.             Ibinaba ni Lyca ang cellphone niya sa ibabaw ng tukador pagkatapos basahin ang mensahe, galing sa kanyang kasintahan. Napagkasunduan kasi nilang magkita ng araw na iyon para mag-usap. Umupo siya sa sulok ng kanyang kama at bumuntong-hininga.             Sa katunayan ay matagal na niyang naisip na kausapin si Zeth. Pero mukhang hindi nagtatapat parati na maluwag ang oras nilang dalawa. Bukod sa naghahanap siya ng bagong trabahong malilipatan ay busy rin ito, ang sabi marami raw itong meeting.             Isa sa dahilan kung bakit matagal na niyang gustong makipag-usap sa kasintahan ay dahil may nakikita na siyang mali sa relasyon nila.             She wants to be free. Gusto na niyang matapos ang kung anumang mayroon silang dalawa. Kung magpapatuloy siguro sila ay baka lalo silang hindi maging masaya.             Parang naglolokohan lang din naman.             Nararamdaman din naman ni Lyca na gusto na rin makipaghiwalay sa kanya ni Zeth. Alam din niya na may gusto pa rin ito sa kabatchmate nila nung college na si Jessica na first love nito.             Ah. Mali.              Sa katunayan ay may katagalan na siyang niloloko ng kasintahan. Nahuli pa nga niya ito at si Jessica na naghahalikan sa harap niya.             Kaya bakit pa nga ba niya patatagalin pa?             Kinuha niya ang tuwalya na nakasampay sa loob ng kanyang kabinet. Papasok na siya sa banyo para maligo ng biglang may kumatok sa pintuan niya. Binuksan niya at nakita niya si Lily.             "Ate, pinatatanong ni Mama kung may pupuntahan ka daw ngayon."             Sinampay niya ang tuwalya sa balikat niya. "Oo. Meron. Magkikita kami ni Zeth."             "May date kayo ni Kuya Zeth?" Namimilog ang mga mata ni Lily. "Baka naman mabibigyan mo ko nung mamon don. Yung dati mo na dala, yung may laman sa loob.."             Napailing-iling na lang si Lyca habang tinitingnan ang nakababatang kapatid. Ang tinutukoy kasi nito ay ang strawberry sponge cake na paborito nito. Nagkataon kasi na may bakery na pagmamay-ari ang pamilya ni Zeth kaya kapag nagdadate sila ay lagi itong may dala para pasalubong kay Lily.             "Sige. Sabihin ko.."             "Yehey!" Lumundag ang nakababatang kapatid. "Ay, nga pala Ate, ngayon ang Royale, di ba?"             "Oo. Bakit?"             "Papaano kapag napili ka?"             Hindi niya alam kung maiinis o matatawa ba siya sa kapatid. Kailanman ay hindi niya naisip na baka mapili siya sa Royale.             Matagal ng nasabi ng Palasyo ang tungkol sa Royale kaya hindi na rin naman siya nabigla.             Ang Royale ay seremonya kung saan ang mga prinsipe ng Verañas, ang pangalan ng lugar nila, ay pipili ng babaeng mapapangasawa sa kanila at magiging katuwang, para makuha ng prinsipe ang korona ng hari.             In short, asawa at magiging alalay sa kung anumang kompetisyon sa trono ng hari, sigaw ng utak niya.             Edad 20-30 lamang na mga babae, may malusog na pangangatawan at mga birhen ang kompulsaryang kasali. Kailangang maturuan at makisabay sa prinsipe ang babaeng napili niya kaya malusog at walang komplika dapat ang katawan. Hindi niya nga alam kung gaano na katagal at kailan nagsimula, o bago ba ang tradisyon.             Malalaman mong napili ka kapag ang Numero mo ang napili. Ang Numerong sinasabi ng Palasyo ay iyong Numero na nakalagay sa National ID na iniligay nila sa bawat isa. Ang mga napili ay kukuhanin mula sa pamilya at mananatili sa Palasyo, kasama ng mga prinsipe. Anim ang prinsipe ng Verañas kaya anim din ang mga mapipiling babae ang makukuha.             Hindi mo rin naman gugustuhin na lumabag sa Royale kung sakaling ikaw ang mapili dahil bukod sa ilalayo at papatalsikin nila ang pamilya mo kasama ka sa Verañas, ay mananatiling kahihiyan ka sa buong nasyon.             Hinawakan niya ang tuwalya niya sa braso ng mahigpit. Bakit ba nagkaroon ng gaanong klase ng batas?             Magaling at maayos magpatakbo ng bansa ang hari nila pero sa totoo ay medyo dismaya siya sa naging desisyon ng hari doon. Sino ba namang matutuwa kapag itinali ka sa isang lalaking kailanman ay hindi mo pa nakita ng personal at makasama everyday? Kung hindi PA ay alalay ang patak niya.             She scoffed on the thought. Kahit di naman niya sinasabi ay marami pa siyang pangarap sa buhay, kaya ang maging Kapares ng isa sa mga prinsipe ng Verañas ay huli sa listahan niya.             "Lily, tulungan mo na lang si Mama don sa baba.." Taboy ni Lyca sa kanyang kapatid para matigil na ito.             Pagkatapos nitong umalis sa harap niya ay sinara niya agad ang pinto.             Ngayon, may mas importante pa siyang kailangang gawin.             Pero bago siya pumasok sa banyo ay tinapunan niya muna ng tingin ang maleta sa sulok ng kwarto niya. - - - - -             "Pwede ba tumigil ka diyan, Johan? Kanina pa ako naririndi sa sapatos mo.."             Ang lalaking tinawag na Johan ay nakaupo malapit sa veranda. Malapit ang pwesto nito sa bukana kung saan gaganapin ang seremonya na, kung hindi man sa iba, ay para sa kanya ay matagal na niyang hinihintay. Tinatapik-tapik pa nito ang paa sa sahig.             Kulay abo at bahagyang ginto ang buhok niya na naliliwanagan ng araw mula sa labas. May suot itong marangyang suit na may kombinasyon ng kulay na itim at bughaw. May nakapalibot na burda ng gold at silver sa leeg, balikat, papunta sa braso at may gintong butones at burda sa magkabilang manggas. May suot rin itong puting polo sa loob na bahagyang nakasilip sa bukas nitong suit. May nakasabit na espeda sa kabilang bahagi ng tadyang nito; ang isang braso ay nakaangkla sa ibabaw ng lamesa at ang isang kamay ay may hawak na maliit na kwaderno.             Humarap ito sa tumawag sa kanya, nakataas ang isang kilay. "Did I bother you so much, Brintton? Then, feel free to leave the room.."             Napatawa ng pagak ang tinatawag na Brintton. Ibinaba nito ang hawak na mansanas sa mesa. "May dalaw ka ba?" Pamuli nitong kinagat ang mansanas. "Akala mo ba, hindi kita naintindihan? Halatang kabado bente ka eh. Chill ka lang kase.."             "Tumahimik ka na lang kasi diyan. Ang dami mong sinasabi.." Bawi ni Johan at tiningnan silang lahat.             Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.             Lima? Mukhang nawawala ang isa.             "Nasaan si Sid?"             Tinapunan niyang muli ng tingin ang lima. Ang isang prinsipe ay nakaupo sa harap ng marangyang piano. Kakaiba ang suot nilang lahat pero para sa kanya, naiiba pa rin ang suot nito dahil puro laso at puting ruffles ang dibdib at bawat manggas nito. Sa paraan ng pag-iling nito sa dako niya ay alam niyang hindi komportable ang prinsipe sa suot nito. Nakasandal naman sa pader, katabi nito ang prinsipeng may angking mahabang buhok na nag-aagaw pula at abo. Ang mukha nito ay kaparehas na kaparehas ng sa kanya. May suot itong tila itim na kapa na putol, makalampas ng tuhod. Iniikot na lamang niya ang tingin rito at lumingon pa sa isa pang prinsipeng nasa dulo. Ang prinsipeng, kailanman ata ay hindi niya nakakausap ng matino sa kanilang lima. Puro tango at iling lamang.             He's about to stand and search for the missing candidate pero bumukas ang pintuan.             "Nandito na ko." Pumasok ang isang lalaking nakabihis na rin kagaya nila. Medyo may kalakihan ang katawan nito kumpara sa kanila, pero kakakitaan pa rin ng liksi at kisig.             "Saan ka galing?" Bungad ni Johan.             "May inattendan lang akong meeting.." Ang lalaking tinawag na Sid ay hinila ang upuan katapat ni Brintton at humarap sa kanila. "Malapit na bang magsimula?"             "Not yet. You're just on time."             Tiningnang maigi ni Johan si Sid habang binubuklat nito ang hawak rin na maliit na kwaderno. Sa katunayan ay isa ito sa iniisip niyang katunggali dahil desperado din itong katulad niya.             Ah. Hindi.             Lumingon siya sa kabilang parte ng silid at tiningnan si Colisse, ang prinsipeng nakaupo sa tapat ng piano. Kahit naman di ito masyadong nagsasalita ay alam niyang matalino ito. Matindi rin itong katunggali at marami ring alam.             Umiling siya. Mali. Mali siya. Kailangan niyang isipin na lahat ng nasa silid na iyon ay kalaban niya. Dumakong muli ang mga mata niya sa katabi ni Collisse. Bagaman di sila masyadong nag-uusap ng kakambal niya ay alam niyang may pagnanasa din ito sa trono.             He really needs to learn, not only their strengths but also their weakness. Mahirap na. Mabuti na yung may plano siya.             Sa paraang iyon, makukuha niya ang respeto ng lahat at igagalang siya ng buong nasyon.             Sa paraang iyon, makukuha niyang lahat.             Ngumiti si Johan sa sarili.             "Mga Kamahalan, tatlong-pung minuto.." Rinig nilang sabi ng isa sa mga tagapayo.             The door opened and the majesties arrived. They bowed their heads as King Robert, with Queen Patricia on his side, entered the room.             "Handa na ba kayo?" Tanong ng hari at nilapat ang tungkod sa sahig. Pakiramdam ni Johan na mas lalo siyang kinilabutan.                  Kinilabutan siya, hindi sa takot pero dahil sa sobrang excitement.             "Handa na!"  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
159.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
98.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook