Yurielainne's P.O.V "Wag kang umiyak Yurie." Ilang beses na sinabi sa'kin ni Kuya AD habang pinakikinggan namin ang ceremony ng kasal. Hindi ko kasi mapigilang umiyak. Habang tumatakbo ang oras pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Sa Isang Fantasy stories lang pala nagkakaroon ng miracle O di kaya'y biglang may super hero na magliligtas sayo. Dahil ang totoo wala talagang ganoon. Nilingon ko si Mommy ay Daddy, hindi lang pala ako ang umiiyak maging sila ay walang tigil ang pagpatak ng luha. "Mr, Allen Dywen Baldemor. Do you take Yurielainne Anne Arristone to be your wife?" Parang gusto kong tumakbo palayo nang marinig ko ang tanong na iyon kay Kuya AD. Kahit ayokong marinig ang sagot niya sa tanong ng pari. Hindi ko matatakasan. Hinawakan ni Kuya Ad ang kamay ko at tinitigan niya