Teo Lugen’s P.O.V ILANG BESES kong sinipat ang wrist watch ko habang pasilip-silip ako sa silid kung saan pwedeng naroon ang asawa kong si Yurielainne. Dinalaw kasi namin ang mga Baldemor at si Yurielainne ang nasa loob upang kamustahin ang nga ito. Ang sabi kasi niya kahit ganoon ang ginawa sa kanila ng pamilyang iyon hindi maiaalis na naging parte sila ng pamilya nila, mas maraming taon silang nagkasama na masaya at naging mabuti ang mga ito sa kanila. Kaya kahit tutol ako sa gusto niyang mangyari hindi ako nakatanggi na samahan siya dito. Ngunit lingid sa kaalaman ng asawa ko may mga tao akong nakakalat sa buong paligid para mag masid. Mabuti na ang nakakasigurado na ligtas kami dito. Hindi biro ang taong dinadalaw namin ngayon. Malawak din ang impluwensiya nila kaya mas naging maing