Yurielainne’s P.O.V NAGSITAYUAN ang mga balahibo ko nang makarating kami sa lugar na bahay bakasyunan nila Alfred. Nakatingala ako habang pinagmamasdan ko ang lumang bahay na iyon na gawa pa noong unang panahon na sa itsura nito. Kung titingnan mo parang isa ito sa mga nakikita mong bahay na sa mga horror movie. Nakakadagdag din ng kaba ang tahimik ng lugar na iyon na tanging kuliglig lang ang maririnig mo. Nakakakilabot tuloy ang pagdampi ng hangin sa balat. “Sigurado ka ba dito iyon?” tanong ko kay Alfred. Siya kasi ang kasama kong pumunta rito sa lugar na ito dahil si Teo ay nauna ng pumunta. Paglingon ko wala na siya sa likuran ko. “Alfred!” Hinanap ko pa siya sa paligid. “Alfred! Huwag mo akong takutin. Hindi ka nakakatuwa!” sigaw ko. Ngunit walang Alfred na sumulpot. Nagsimula