SA ospital agad na dumating ang Papa at Mama niya. Maging si Roma na katulad niya ay hindi rin matigil sa pag-iyak. Ilang oras matapos ang operasyon lumabas ang doktor at ibinalitang maayos naman ang kalagayan ni Lawrence. Maswerte raw ang binata dahil walang anumang internal organ ang tinamaan kaya stable na ang lagay nito.Hapon nang mula Tagaytay ay dumating ang mag-asawang Fritz at Julia, kasama ng mag-asawa si Ismael na agad siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Habang gabi naman nang magkasabay na dumating ang dalawa pang nakababatang kapatid ni Lawrence habang si Sean ay kasunuran lang nina Fritz. “Anya?” mula sa pagkakahiga niya sa mahabang sofa sa private room ng binata ay napabalikwas ng bangon nito si Anya. Maluwang ang pagkakangiti niyang nilapitan ang nobyo na kagigising
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books