ALEXIA POV. ISANG buwan na ang nakalipas mula nang huli kaming magkita ni Mr. Hugo Nick. Ala-singko pa lamang ng umaga ayon sa orasan na nakasabit sa dingding, ngunit ang katahimikan ng bahay ay nabasag sa sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Napilitan akong bumangon, inis na inis, at dahan-dahang lumapit sa pinto upang silipin kung sino ang nasa labas. Napakunot ang aking noo nang makita ko siya. Si Mr. Hugo Nick. Halata sa mukha niyang hindi pa siya natutulog… pula ang mga mata, gusot ang buhok, at ang tindig niya’y hindi tuwid. At hindi lang iyon… tila lasing din siya. Wala akong sinabi. Tumalikod agad ako at binalewala ang presensya niya. Ayokong papasukin ang isang lalaking nasa ganoong kalagayan. Sigurado akong gagawa lang siya ng bagay na hindi tama… at ayokong mangyari. Bu

