ARGUS POV. HINDI ako pumayag na palayasin niya ako palabas ng penthouse niya. Kahit ilang ulit niya akong pinagtabuyan, pinanindigan kong manatili sa loob. At wala rin naman siyang nagawa kundi ang ipaghanda ako ng kape. Lalo pa’t kunwari akong inaantok… na hindi rin naman ganap na kasinungalingan. Nakailang shot din ako ng brandy sa event, kaya ramdam ko talaga ang pamimigat ng aking mga mata. Habang wala siya, lihim akong nagmasid sa paligid. Iilan lamang ang mga gamit, ngunit elegante at maayos ang kabuuan ng penthouse. Walang labis, walang kulang… lahat ay nasa tamang lugar. Malinis. Tahimik. Parang siya. Isang bagay lamang ang agad kong napansin: iisa lang ang picture frame na naroon. Sa aking palagay, ina niya ang babaeng nasa larawan. Pero sa pagkakaalala ko iba ang mukha ng

