ALEXIA POV. KAKAIBA ang karanasang ito… tila lumilipad ako. Hindi ko mapigilan ang mapasigaw, lalo na tuwing bigla kaming bumubulusok, na para bang pati ang aking kaluluwa ay hinihila at tinatangay ng hangin. Gayunman, kasama ko si Mr. Hugo Nick, kaya unti-unting nababawasan ang aking takot. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito, sapagkat sa tuwing lilingon ako sa kanya, wari’y balewala lamang ang lahat… nakangiti siya, walang bahid ng pangamba, para bang sanay na sanay sa ganitong sitwasyon. Hindi rin ako sigurado kung sinasadya ba ang paminsan-minsan naming pagbulusok upang lalo akong takutin. O marahil, iyon ang paraan niya upang mailabas ko ang lahat ng aking takot, maisigaw nang buong lakas at hayaan itong tangayin ng rumaragasang hangin. At habang tumatagal an

