ARGUS POV GINULAT ako sa ginawa ni Aneth—hindi ko iyon inaasahan. At ang tuwang sumabog sa aking dibdib ay hindi maipaliwanag. Unang beses niya iyong ginawa sa akin, kaya halos mapatulala ako sa sobrang saya. Akmang yayakapin ko pa sana siya nang mahigpit, ngunit bigla siyang lumayo. May bahid ng panghihinayang ang gumuhit sa aking damdamin. Bago pa ako makapagsalita, mabilis na siyang lumabas ng pinto. Napakamot na lamang ako sa ulo, saka tumayo at sinundan siya. Naabutan ko siyang nakaupo na sa desk niya, abalang-abala kunwari sa trabaho, wari’y walang nangyari kanina. “Sweetheart,” sabi ko habang yumuyuko at marahang ipinatong ang aking baba sa kanyang balikat, “almost lunch na. Bakit bumalik ka pa sa trabaho mo?” Bahagya kong hinawakan ang kanyang braso at marahang hinila. “Let’

