ALEXIA POV. Graduation Day. Dapat ay masaya ako, dahil natupad ko na ang pangarap ko. Ilang oras na lang at maiaalay ko na sa aking mga magulang ang diploma at medalya… lalo na kay Mama, na may malubhang karamdaman. Pangarap niya ito… pangarap ko rin, upang makapagtrabaho ako sa isang magandang kumpanya at nang maipagamot ko siya. Nakangiti ako sa harap ng maraming tao, pilit na nagkukunwaring masaya kahit naninikip ang aking dibdib… masakit pala tala kapag alam mong tinalikuran ka na ng taong dati ay… isa sa mga inspirasyon mo. Kanina, bago ako nagtungo rito sa malawak na auditorium ng unibersidad kung saan gaganapin ang seremonya, matagal akong naghintay sa pagdating ni Papa. Pero hindi siya dumating. Wala man lang text o tawag. Alam niya ang oras ng graduation ceremony. Bago siya p

