ARGUS POV. LALO lang niya akong pinanggigil sa mga ginagawa niya ngayon. Simula nang pumayag siya na ako lamang ang maging kliyente niya, ganito na ang trato niya sa akin. Sa loob ng opisina, trabaho lang kami… bawal ko siyang lapitan, at lalong bawal banggitin ang tungkol sa pagiging streamer niya. Parang sinasadya niyang pahirapan ako. Napakaraming bawal. Napakaraming limitasyon. At sa bawat patakaran, mas lalo kong nararamdaman na hindi ko kayang sundin ang nilalaman ng kontratang iyon. Abot-kamay ko siya, ngunit wala akong magawa. Legal ko siyang asawa… kaya bakit ako pumapayag sa ganitong klaseng setup? “Brother, anong nangyayari sa’yo?” tanong ni Rufus Nathan. “Bakit parang kinukulam ka? Kanina pa ako nagsasalita pero nakatulala ka lang diyan.” “Ewan ko ba,” sagot ko, halatang

