ALEXIA POV. GINULAT ako ng biglaang pagdating ni Mr. Hugo Nick. Paano niya nalaman na naririto ako sa lugar na ito? FNakapagtataka na mabilis niya akong. natunton. Kanina pa umiikot sa isip ko ang pagbabalik sa Macau. Ngunit bago ko pa man tuluyang mapagdesisyunan, narito na ang lalaking pilit kong iniiwasan. “Anong plano mo? Itatago mo na naman sa akin ang pagbubuntis mo?” mariin niyang tanong. Paano kaya niya nalaman na buntis ako, samantalang nangako si Dra. Gonzales, wala siyang pagsasabihan? “Bakit kailangan kong ipaalam sa’yo?” malamig kong tugon. “Hindi naman kita asawa. At isa pa, bakit naririto ka, Mr. Hugo Nick?” “Hindi man ako ang asawa mo,” singhal niya, “ako naman ang ama ng mga bata, huh!” “’Wag kang assuming,” malamig kong wika, diretso ang tingin sa kanya. “Hindi

