ARGUS POV. KANINA pa ako sunod nang sunod sa kanilang dalawa, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Aneth. Gayunman, sapat na sa akin na makita kung gaano kapalagayang-loob ni Arjoe sa kanya. Nang pumasok sila sa men’s boutique, dumiretso rin ako sa dapat kong tingnan. Ngunit napansin kong umikot pala sila sa kabilang bahagi ng tindahan. Nang masilip ko ang hawak ni Aneth, hindi ko napigilang mapangiti… pareho pala kami ng napiling bibilhin para kay Arjoe. “Anak, pareho pala tayo ng gusto?” tanong ko kay Arjoe, ngunit kay Aneth nakatuon ang aking tingin. “Naku po, sabi ni Tita Aneth ito raw po ang gusto niyang amoy para sa akin,” nahihiyang sagot ni Arjoe. Napangiti ako. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko. Nakikita kong masaya ang anak ko. Sa unang pagkikita pa l

