ALEXIA POV. SIMULA nang may mangyari sa amin ni Mr. Hugo Nick, hindi na kami muling nagkita. Hindi na rin siya nagpapakita sa RestoBar. At ang pinaka nakakainis, parang inaasahan ko pang darating siya para makipag-ayos. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit hindi ko makalimutan ang gabing ‘yon? Napailing ako. Bakit ko pa ba iniisip ang lalaking ‘yon, huh? Kung ayaw niyang magpakita, ‘di huwag. Hindi naman siya kawalan. Napabuntong-hininga ako nang maalala ang mensahe ni Senyor Del Fierro. Kailangan ko siyang makausap para mag-report kung nagagawa ko ba ang misyon ko. Pero… ano nga ba ang sasabihin ko? Na ako mismo ang nahuhulog sa anak niya? Gusto ko talagang sampalin ang sarili ko. Bakit hindi ko nagawang pigilan ang puso kong magkagusto sa lalaking ‘yon? Napatayo ako mula sa kama n

