ALEXIA POV. ILANG beses akong kumawala sa pagkakahawak ni Mr. Hugo Nick sa braso ko, ngunit sa bawat pagbitaw ko, mabilis niyang ibinabalik ang kamay ko sa kanya. Pakiramdam ko noong mga sandaling iyon, para akong naroon sa ibang mundo. Ang malawak na hall ay punô ng mga bisita. Kahit saan ako tumingin, puro karangyaan ang bumungad sa akin. Ang mga babae at lalaki roon ay mistulang mga celebrity, tila hindi uso sa lugar na iyon ang salitang pangit. Ang kanilang mga kasuotan ay mamahalin, at halata sa kilos at pananalita na mula sila sa mga angkan ng mayayaman. Nang saglit na makalingat si Mr. Hugo Nick, agad akong tumalilis. Mabuti na lamang at may babaeng kumausap sa kanya, kaya nakalusot akong makalabas ng hall. Hindi na ako makahinga sa loob; sumasakit ang ilong ko sa iba’t ibang pa

