Naging maayos naman ang sumunod na buwan. Hindi na naulit iyong ginabi ako. Nakakahiya naman kung uulitin ko pa.Sa eskwelahan may kumakausap na sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Pero masaya ako na hindi na tulad nang dati. "Hi Maria!"Lumapit sa akin si Monica.Isa siya sa mga kaklase ko na kumakausap na din sa akin. Hindi naman siya masama sa akin noon.Tinigil ko ang pagliligpit nang gamit ko. I smiled to her. She's friendly naman nahihiya lang daw siya nung una dahil hindi daw ako namamansin. "Hello." Sagot ko dito. Kung noon hindi masyadong presentable ang uniform ko ngayon nasisigurado kong malinis at presentable na.Magmula sa bag,sapatos at hanggang sa mga gamit pang eskwela. "Uuwi kana?" Tanong niya.Ngumiti ako at tumango.Patuloy lang