“Sa susunod, siguraduhin mong nakakapagpahinga ka ng maaayos. What happened to you earlier was the result of not getting enough rest,” seryosong sabi n’ya. Namilog ang mga singkit kong mata. Concern ba s’ya sa ‘kin? “Huwag mong iisipin na concern ako sa ‘yo. Nakakaabala ka lang ng iba sa kapabayaan mo sa sarili,” walang prenong dagdag pa n’ya. Imbes na matuwa ako sa ginawa n’yang pagtulong sa akin ay lalo lang sumama ang loob ko. Napayuko ako naikuyom ang mga palad ko. Nanggigigil ako sa narinig ko. What the hell? Naririnig n’ya ba ng sarili n’ya? Sino bang nagsabi sa kanya na tulungan n’ya ako? Matalim na tingin ang ibinato ko sa kanya. “Well, I’m sorry I wasted your precious time. You don’t need to be concern of me. Please, get out of this room,” mahinahon ngunit madiin kong salita

