Chapter 120: Reminisce

2418 Words

Scarlett's POV: "Ate mas gumanda ka ngayon! Para kang angel!" Puri naman ni Anton, isa sa mga batang kilala ko at saka kinurot ang pisngi ko. "Aba bumabanat ka na ha! Halika nga rito," sabi ko saka marahan kong hinila ang braso n'ya at pinagkikiliti ang tagiliran n'ya. Napapatuwad na natatawa naman ang bata sa pag-iwas sa akin. "Naku, na-miss ko kayo. Na-miss n'yo ba kami?" Malambing na tanong ko at agad naman silang napatango at sumagot ng oo. "Tss. Let’s get to work. Tama na playtime," sita ni Auborn sa likuran ko at umirap pa sa ‘kin. Nauna s’yang maglakad kasunod naman ang mga alipores n’ya na sina Ricky at Janeth Lim. Magkapatid silang dalawa. "Pagpasensyahn mo na ‘yon. Di ‘yon mahilig sa mga bata. Hahaha!" biglang sabat ni Kyohei sa likuran ko. "Sanay na ako sa kanya. Hahaha!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD