~(VIEN YASABELLE ESQUIVEL POV) Naging matamlay ang umaga dahil hindi ako nakatulog nang maayos. Nakabihis na ako at handa nang pumasok sa opisina. Papunta pa lang ako sa gate pero napahinto rin ako nang mapansin kong may humintong mga sasakyan sa hindi kalayuan. May bumaba roon na mga armadong lalaking naka-suit. Sa isang magandang sasakyan, nakita kong bumaba ang pamilyar na lalaki. Kung hindi ako nagkakamali nagpupunta na rin iyon noon dito sa mansion at nakikita ko na sa ilang events. Tila ba hindi maipinta ang mukha nito at mabigat ang hakbang na nagpatuloy sa paglalakad. Agad itong sinundan ng mga bodyguards. Hindi ko alam...Sa ahalip na pumasok na ako sa trabaho ay nakuha ko pang sumunod sa mga ito nang pa-simple. Kumubli lang ako sa likod ng mga halaman nang huminto ito sa ha