Chapter 46

2433 Words

~(VIEN YSABELLE ESQUIVEL POV) Kinabukasan, pinayagan na ako ni Ms. Teri na pumasok sa opisina. Sinadya kong gumising ng maaga para kausapin ang bodyguard na kasama ko noong gabing nasa hotel kami. "Ano pong maitutulong ko sa inyo, Ms. Vien?" he asked. "U-Uhm... tungkol sa hotel noon, naalala mo pa bang ang mukha ng mga bodyguards na sumundo sa akin?" Kumunot ang noo nito pagkatapos ay kumamot sa ulo. "Pasensya na, ma'am, bago lang po kasi ako kaya hindi ko pa ho ganoong kabisado ang mukha ng ibang bodyguards." Hindi ko nakakalimutan ang mukha ng mga ito pero nakaramdam ako ng lungkot na hindi man lang nito naalala ang mukha ng mga iyon. "N-Naalala mo pa bang ang sinabi nila sa'yo?" "Opo, ma'am. Ang sabi po nila tumawag ka raw ho kayo para sunduin ho kayo." Agad kumunot ang noo ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD