~(VIEN YSABELLE ESQUIVEL POV) Maaga akong bumangon kinabukasan para magpunta sa palengke. Hindi ko pa rin maiwasag isipin ang tungkol kagabi. I also felt tired and sleepy dahil ilang oras lang ang naging tulog ko. Agad akong niyakap ni Felix nang makita ako. "Na-miss kita! Ang tagal kitang hindi nakita!" "It was just two weeks," nakangiting sabi ko rito. Humiwalay naman ito sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Eh kahit na! Matagal na rin ang dalawang linggo no. Linggo na nga lang kita nakikita sa palengke at tsaka ang dami ko ring ginagawa hindi tuloy kita nadadalaw sa club." Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Nagsimulang maging mapakla ang ngiti sa mga labi ko. "Hindi na ako nagtatrabaho sa club." Agad kumunot ang noo nito pagkatapos ay kinuha ang baba ko para ibiling iyon s