~(VIEN YSABELLE ESQUIVEL POV) Naalipungatan ako na nakasandig ang ulo sa matigas nitong dibdib. The blanket was still covering our naked body. Wala sa loob na nag-angat ako ng tingin. I was overwhelmed to see his face closer to me. Madalang ko lang makita ang mukha nito nang ganoon kalapit, usually when he was asleep. Mukhang mahimbing pa ang tulog nito kahit tanghaling tapat pa lang sa labas. Mula sa nakasarang kurtina ay pinagmumulan pa rin iyon ng liwanag sa silid. Hindi ko maiwasang tingnan ang mapupulang mga labi nito. I could still feel those on my lips. Nang iangat ko pa nang bahagya ang mukha ko, tumama ang dulo ng ilong ko sa mahaba nitong ilong. Mabuti na lang at hindi ito nagising. Pinagmasdan ko lang ang mga mata nito kahit pa nakapikit pa rin ang mga iyon. I absentminded